Pagpapatalsik kay Deputy Speaker Gwen Garcia tinabla ni Alvarez

HINDI ipatutupad ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang unconstitutional na kautusan ng Ombudsman na pagpapatalsik kay Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia.

Sa panayam sinabi ni Alvarez na hindi niya aayunan ang isang desisyon na hindi naaayon sa saligang batas.

Naunang kinumpirma at inilabas ng Office of the Ombudsman ang desisyong pagpapatalsik kay Gacia kaugnay sa naging aksyon nito habang siya ay gobernador pa ng Cebu.

Ang tanggapan umano ni Alvarez ay agad pinadalhan ng desisyon.

Katuwiran pa ng speaker na walang basehan ang pagpapatalsik kay Garcia dahil ito ay nahalal bilang kongresista at ang desisyon ay nauukol sa pagiging gobernador pa nito.

Labas aniya sa kapangyarihan ng Ombudsman ang pagdidisiplina sa miyembro ng Kamara.

Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y kwestyunableng pagbili sa may P98.9 milyong Balili property nang gobernador pa si Garcia ng Cebu. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply