Pagpirma ni Digong sa free irrigation law, pinuri

PINURI ng isang makakaliwang kongresista ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa free irrigation law.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, malaking hakbang ang batas sa kampanya para sa mas mabuting pamumuhay ng mga Pilipinong magsasaka.

Dapat lang aniyang ibigay ang papuri sa Punong Ehekutibo.

Ayon naman kay Sen. Ralph Recto, magbubukas ng madaming pinto ang batas para sa pag-unlad ng irigasyon sa bansa.

Maaari aniyang umaksyon ang National Irrigation Administration (NIA) basunod ng inilaang dagdag na pondo ngayong taon.

Dagdag pa nito, maaari ring isama ni Duterte ang irigasyon at iba pang farm insfratructure sa “Build, Build, Build” program ng administrasyon. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply