Pilipinas at China, mag-bff na

HINDI na talaga mapipigilan ang pagiging mag-bff ng Pilipinas at China pagdating sa usapin ng komunikasyon.

Ito’y dahil sa nakalinyang proyektong mas palakasin at mapaganda pa ang mga himpilan ng Philippine Broadcasting Service (PBS) sa pamamagitan ng P73 milyon grant na ipagkakaloob ng Chinese government sa PBS.

Inaasahan ding mas lalakas pa ang hatid na serbisyo ng Phil. Broadcasting Service bunsod ng tuloy-tuloy na pagpapataas sa kuwalidad ng broadcasting equipment ng mga istasyong nasa ilalim ng PBS.

Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng PCOO at ng Chinese Consul, uusad ang proyektong magbibigay sa PBS na bagong AM at FM transmitters, On-air studio equipment at iba pa.

Ayon kay PCO Undersecretary Noel Puyat, makikinabang sa nasabing proyekto ang mga istasyon ng PBS sa Davao, Cebu, Cagayan de Oro, Batanes at Tawi-tawi.

Sinabi ni Usec. Puyat na kailangang sa loob ng 20 araw pagkatapos ng lagdaan ay maisumite sa China ang kailangang mga impormasyong may kinalaman sa naturang proyekto kabilang na ang infrastructure information.

Aniya, iaakma sa international technical standards ang proyekto na lalong magpapaganda sa broadcasting quality ng Radyo Pilipinas, FM1 at FM2 at iba pang himpilan ng PBS sa ibat-ibang bahagi ng bansa. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply