Pinaglumaan na nang panahon!

SA presscon ng isang pelikula, na-compare ng press ang dalawang aktres na aktibo pa rin sa industriya pero ang isa, na older actually by a couple of years with another actress, ay preskong-presko pa ang hitsura whereas the supposedly younger actress is now fast wasting away into fats.

Fast wasting away into fats raw, o! Hahahahahahahahahaha!

How sad!

On top of that, the older actress is more liquid than the younger actress and is leading a pampered and fabulous existence.

Restaurateur lang naman ang kanyang napangasawa at napakayamang lalake.

Pa’no kasi, wise and shrewd ang older actress at hindi niya pinamamayani ang pag-ibig at lagi na’y levelheaded and in complete control of her emotions.

In stark contrast, it’s obvious that the younger actress is a bit hard-up and she appears to be all wasted.

Kung tutuusin, maganda pa naman siya but her body appears to be matronly and she has come to accept old age with resignation.

Honestly, kay laki-laki na talaga ng kanyang mga hita’t braso and apart from mother roles, which seem to be her bailiwick at the moment, she would not fit in any other role.

Que horror! Hahahahahahahahahaha!

Ang masakit pa, she doesn’t have a house of her own (considering the fact that she was the owner of fabulous and classy abodes in her youth) and is only dependent on the kind of row housing that her ‘religion’ would give her.

What a pity!

Kaya kung nakahiga sa kayamanan ang older actress, siya naman ay tama lang ang buhay.

Kung ‘yung nakatatanda sa kanyang aktres ay magandang-maganda pa at umiilaw sa kaputian ang kutis, siya naman ay nagsa-sag na at mukhang naghihirap.

Mukhang naghihirap raw, o! Hahahahahahahahahaha!

And for us, that is indeed a veritable tragedy.

‘Yun nah!

ANGEL LOCSIN FINALLY ADMITS REAL SCORE WITH NEIL ARCE

Angel Locsin finally confirms relationship with Neil Arce: “Ever since naman open ako sa inyo. ‘Di pa talaga namin alam kung ano yung label, pero ngayon mayroon na kaming label. Yes, we’re together. Nahihirapan na ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something. Itong month na ito, itong month na ito lang.”

Sa recent FDCP Film Amabassadors Night 2018 that was staged at Sampaguita Gardens last February 9, Angel Locsin candidly admitted her relationship with Neil Arce.

Sa kanyang interview, inamin ni Angel na ngayong buwan lang daw talaga naging official ang kanilang relasyon.

“Ever since naman open ako sa inyo,” she asseverated. “Di pa talaga namin alam kung ano ‘yung label, pero ngayon mayroon na kaming label.

“Yes, we’re together.

“Nahihirapan na ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something.

“Itong month na ito, itong month na ito lang.”

Sang-ayon sa sexy actress, hindi raw talaga siya yung tipong nagse-celebrate ng Valentine’s.

Mas feel raw ni Neil na i-celebrate ito.

Mayroon raw siyang hinanda. Simple dinner lang pero after Valentine’s day na raw siguro dahil sobra ang traffic.

So far, Neil and Angel have been friends for seven long years.

Right now, they are taking their sweet time. Happy lang daw siya na nasa tabi niya ang boyfriend.

So far, approved naman daw sa kanyang family si Neil.

“Mabait naman si Daddy and matagal na niyang kilala si Neil,” she quipped, “and he (Neil) knows kung gaano ka-importante ang family sa akin kaya binibigyan niya talaga ng halaga yun.”

SARAH GERONIMO, AMUSED SA RELASYON NINA JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Bongga ang rEVOLution concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum. Marami silang ginawang upbeat at fierce production numbers.

Sam Concepcion, Bret Jackson, and Kiana Valenciano were among their special guests at the jam-packed concert held last February 9.

Isa sa mga highlights nang gabing ‘yun ay ang dance medley nila with Sarah Geronimo.

Pagkatapos ng kanilang well-applauded dance numbers, Sarah asked what cause are they fighting for and what the term revolution mean?

James answered na marami raw klase ng revolution ang nai-present nila that evening. Tipong revolution of love, at revolution of music.

At this juncture, pinuri ni Sarah ang Jadine love team dahil alam raw ng mga ito kung ano’ng klaseng artists sila at kung ano’ng klase ng musika ang kanilang gusto. “Ako, I’m a fan, James, Nadine, I’m a fan. Ang ganda-ganda ng music niyo.”

Pinasalamatan ni Nadine si Sarah supposedly “for being such an inspiration para sa aming dalawa. Maraming, maraming salamat, Ate Sarah.”

Anyway, heto ang mga highlights sa 2018 concert of Jadine:

Sarah Geronimo, James Reid, and Nadine Lustre danced to the tune of several fast-paced songs such as “No Diggity.”

James and Nadine hotly performed “Lean On.”

Nadine was greatly applauded when did a sexy white-shirt love dance number to the tune of James’s “Dangerous.”

Bret Jackson was wildly applauded when he ran up and down the aisle, much to the enjoyment of the audience.

KALAYAAN NI SAMANTHA LOPEZ, WALANG PRESYONG KATUMBAS!

Samantha Lopez says after divorce with British husband Warren Edwards: freedom is priceless. Kahit wala raw siyang nakuhang anumang andalu, okay lang dahil walang katumbas na presyo ang kalayaan.

Ayon kay Samantha, mas appreciated niya ang freedom niya sa ngayon at wala siyang pagsisisi sa ginawa niyang pag-walkout sa marriage niya.

Palagi raw niyang sinasabi sa mga kumakapanayam sa kanya after her divorce has finally been approved, freedom is priceless.

‘Yun lang daw ang bukod tangi niyang wish when she divorced her husband. She just want to be free.

“Mas masaya ako at heto nagtatrabaho ako ulit sa TV,” enthused Samantha when interviewed at the media launch of the GMA teleserye The Stepdaughters that was held at Prime Hotel last February 2.

“Irreconcilable differences” raw ang dahilan ng kanilang inevitable parting of ways.

Looking back, 2012 pa raw when she had come to the decision of leaving her husband.

It supposedly took her three years before she had the guts to leave her husband for good.

“Lagi ko na lang iniisip na baka may mabago sa pagsasama namin,” she said. “I was praying that things will change eventually.

“Mahal ko ang mister ko. Pero habang tumatagal, I was falling out of love,” she confided. “I was praying to God that things will change kasi I want to save our marriage.

“Pero wala pa rin, e. I was slowly losing my love for him.”

So, one day, when she was home from the office, she just packed a small bag and left the house and never came back.

Looking back, okay naman daw ang samahan nilang mag-asawa. Isang bagay nga lang daw hiniling ni Samantha sa kanyang mister at iyon ay ang magkaroon sila ng isang anak.

Ayaw raw ng kanyang mister dahil masyado itong na-drain financially and emotionally sa kanyang last divorce.

Sinabi ni Samantha na ang kanyang mister raw ang gumastos para sa divorce nila pero wala siyang nakuha kundi ang kanyang kalayaan.

Pumirma raw kasi siya ng prenup bago sila ikasal. Gano’n raw siya ka-in love noon sa kanya.

Sa ngayon, wala raw siyang kaligayahan kundi ang kanyang apo na lalake sa anak niyang si Kaye named Lucas

But is she ready to fall in love again?

“Naku, I’m already 48-years old. Mamita na ako. Parang hindi na tumitibok ang puso ko!” she intimated. “Well, kung sakaling mag-decide akong mag-boyfriend ulit, ayoko ng bata.

“Gusto ko kasing-edad ko or older.

“Companionship na ang habol ko.

“Someone who I can grow old with,” she said with a smile.

***And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply