Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, normal pa

NORMAL pa ang presyuhan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila ngayong bisperas ng Valentine’s Day.

Sa Dangwa, iba’t ibang uri ng bulaklak ang ibinebenta.

Kung nais ng bibili na nakaayos na ang bulaklak ay mayroon ding mabibili na mayroon nang mga disenyo.

Narito ang presyo ng ilang mga bulaklak sa Dangwa:

China Rose P1,200

Casablanca 1,600 (white, green, pink)

Malaysian Mums P100 (isang bundle na mahaba)

Malaysian Mums P160 (isang bundle na maikli)

Red Success Rose P900 (bundle of 24)

White Rose P200/bundle

Pomelo P600/bundle

Yellow Balls P100/bundle

Pink Tube P100/bundle

Rose Pink Success P800/bundle

Red Gala Rose P800/bundle

Anthurium White P350/dozen

Kung ayaw namang magbigay ng bulaklak at nais maiba ang pangregalo para sa Valentine’s, maging ang mga tsokolate at stuffed toys ay ginagawan na rin ng arrangement sa Dangwa.

Narito naman ang persyo ng mga tsokolate at stuffed toys na nakaayos na:

Round bouquet w/ 12pcs Ferrero P700-P800

Arm bouquet of Ferrero P3,200

12pcs Ferrero with 3pcs toys bouquet P1,200

Ferrero P45/pc

48pcs/box of Ferrero P1,500

30pcs/box of Ferrero P700

Sa ngayon hindi pa karamihan ang bumibili ng bulaklak sa Dangwa.

Maari ring mamayang gabi hanggang bukas ng umaga ay tumaas pa ang presyo ng mga bulaklak. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply