Pro-Yosi umapela na maglagay ng maraming smoking area

TINAWAGAN ng pansin ng Pro-Yosi group o smokers’ rights advocacy group ang nagmamay-ari ng pribadong establesimyento gaya ng malls, restaurants at bars na maglagay ng mas maraming indoor smoking areas habang binibigyang diin sa ilalim ng batas sa pagsisigarilyo na pinapayagan ang paninigarilyo sa mga open spaces outdoor.

Ayon kay Pro-Yosi President Anton Israel, nakausap na nila ang ilang establishment owners hinggil dito kung saan ay maingat ang mga ito sa maling interpretasyon at implementasyon ng ilang local government units hinggil sa paninigarilyo.

“The Duterte administration did a great job respecting the rights of non-smokers and smokers.
President Duterte issued last year Executive Order 26 giving flesh to the provisions of the 2003 Tobacco Regulation Act in regulating indoor public smoking,” ani Israel sabay sabing “Section 6 of RA 9211mandates establishment owners to provide smoking and non-smoking areas in enclosed places, therefore, owners who do not comply in this provision may be penalized under the law.”

Nakiusap naman si Israel sa anti-tobacco groups sa tila intensyon na iligaw ang publiko sa paghikayat sa mga private establishments na huwag maglagay ng designated smoking areas (DSAs).

“As it is, bars and restaurants have taken a big hit in terms of income while malls have suffered significant decrease in the number of mall goers,” he added.

Sa ilalim pa rin aniya ng EO, sinabi ni Israel na hindi ipinagbabawal ang paninigarilyo sa open areas gaya ng kalye at sidewalks. At kung wala aniyang DSAs sa labas ng gusali at private establishments, ay pinapayagan ang paninigarilyo.

Umapela ang Pro-Yosi group sa LGUs para sa patas at consistent na pagpapatupad ng EO 26 alinsunod sa ulat na may inarestong 61 katao ang Muntinlupa city government na karamihan sa mga ito ay naninigarilyo sa open areas.

“What they have done is completely without any legal basis. There is no basis under EO 26 nor the TRA,” aniya pa rin.

Sinabi ni Israel na suportado ng kanyang grupo ang mga ilegal na hinuli dahil sa paninigarilyo at handang tulungan ang mga smoker na sinita noong nakaraang linggo sa
Muntinlupa at tinratong gaya ng isang kriminal.

Tinukoy nito ang video ng nasabing smoker na pinosasan at kinaladkad ng isang enforcer na nag-viral sa social media at umani ng pagkondena mulasa mahigit na 2 million viewers.

“We only appeal to authorities to treat smokers humanely and with dignity. While we respect the rights of non-smokers, smokers’ rights should also be respected. Smoking is a choice we adults have decided to make so please respect our choice. We know President Duterte only wants to protect non-smokers but it is not his intention to embarrass and humiliate the 15 million Filipino smokers,” ayon pa rin kay Israel. KRIS  JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply