PSC papalakasin sa paglikha ng global champions –Pacquiao

INIHAIN kahapon ni Senador Manny Pacaquiao ang isang panukalang batas na rebisahin ang batas sa pagbuo ng Philippine Sports Commission (PSC) upang lumakas ang ahensiya sa paglikha ng world champions.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacquiao na bukod sa karagdagang pondo, layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan ng PSC sa grassroots development, sport science, sports medicine, services and research.

“Umabot sa 20 taon bago makakuha muli ng Olympic medal ang ating bansa na handog ni hidilyn Diaz matapos manalo si Mansueto “Onyok” Velasco ng silver medal noong 1996,” ayon kay Pacquiao.

“So what went wrong?,” tanong ni Pacquiao

Isa sa dahlia, ayon kay Pacquiao ang kakapusan ng pondo inilalaan upang tugunan ang pangangailangan ng sports industry bukod pa sa mahinang sports facilities sa buong bansa.

“Kung walang sapat na suporta mula sa pambansang pamahalaan at walang kaukulang training programs, pure talent can only achieve so much,” himutok ng senador.

Dahil dito, mahigpit na hiniling ni Pacquiao sa Senado na amendahan ang umiiral na batas upang tugunan ang pangangailangan ng matatapang na atleta.

“We need to strengthen the role of the PSC as an institution governing our national sports program,” giit ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao na layunin ng panukala na palakasin ang PSC upang makatugon sa lumalagong pangangailangan ng Philippine sports.

One of the salient points we wish to institutionalize is giving priority to our amateur athletes – our homegrown talents – the way we do for elite athletes,” ayon kay Pacquiao.

Sa ganitong pamamaraan, sinabi ni Pacquiao na lahat ng may potential na atleta ay mabibigyan ng pantay na oportunidad upang mailantad ang kanilang talent at katawanin ang ating bansa.

Sinabi pa ni Pacquiao na isasama sa panukala ang partnership ng PSC sa Department of Education, Commission on Higher Education, at Local Government Units, atbp.

“Legislating this will finally institutionalize the partnerships because the status quo is only dependent on executive orders or memorandum that may be revoked anytime at the will of the issuing authority,” paliwanag ni Pacquiao.

“Tama, ang layunin natin ay mag-uwi ng ginto sa Olympics. Tama, layunin natin na ilagay ang ating bandila sa podium ng bawat international sporting tournament,” ani Pacquiao.

Ayon pa kay Pacquiao na panahon na upang maisabatas ang panukala dahil kailangan natin na itaguyod ang pagbabago sa sports policies at comprehensive sports development program,

“Hiniling ko ang agarang pagsasabas nito. Magkakasama tayo, simulan natin ang paglikha ng global champions. Maraming Salamat Po,” ayon kay Pacquiao. ERNIE REYES

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply