Quality education vs fake news, iginiit sa Senado

TANGING pagpapalaganap ng de-kalidad na edukasyon ang siyang magiging sandata ng kabataan upang labanan ng pekeng balita at mabigyan ng sapat na kaalamanan ang lahat hinggil sa isyung bumabalot sa bansa, ayon sa isang senador kahapon.

Ito ang pahayag ni Sen. Bam Aquino, na nagpahayag sa resulta ng isang survey na nagpapakitang ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang “ignorante” sa mga isyung bumabalot sa bansa, batay sa pag-aaral na ginawa ng news website Indy100.

Sa nasabing survey, lumabas na ikatlo ang mga Pilipino sa pinakatiwala sa kanilang posisyon, kahit hindi tama ang kanilang sagot. Nanguna sa survey ang South Africa habang ikalawa ang Brazil. Noong 2016, pumang-16 ang Pilipinas sa survey na ginawa sa 38 bansa.

“Clearly, we need to strengthen quality education and launch a solid attack on disinformation and fake news,” wika ni Sen. Bam.

“Maraming Pilipino ang nalilito sa datos at hindi na nakikilala ang katotohanan. This is even more distressing when we consider how Filipinos resort to threats and hate speech online instead of reasonably discussing opposing views,” dagdag pa ni Sen. Bam.

Sinabi pa ni Sen. Bam na dapat maging aral ang survey sa mga Pilipino na maging mapanuri at makinig sa opinyon ng isa’t isa, kaysa mag-away-away sa social media.

Sa kanyang panahon bilang chairman ng Committee on Education, nagsagawa si Sen. Bam ng pagdinig ukol sa responsableng paggamit ng social media sa mga paaralan upang labanan ang pagkalat ng pekeng balita sa social media.

Sa nasabing hearing, hinikayat ni Sen. Bam ang iba’t ibang sektor, sa pangunguna ng Department of Education (DepEd), na magsama-sama para labanan ang tinatawag na trolling at pagkalat ng maling impormasyon sa social media.

Nanawagan din si Sen. Bam Philippine Communications Operations Office (PCOO) na harapin ang problema sa pagkalat ng maling balita at pekeng news sites sa nakalipas na pagdinig ng Senado sa pekeng balita.

Si Sen. Bam ang principal sponsor ng batas na nagbibigay ng libreng kolehiyo at nagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa bansa. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply