‘Record-low’ sa common crimes naitala –SWS

GUMAPANG sa ‘record-low’ ang bilang ng mga pamilya na nagsasabing sila ay naging biktima ng common crimes sa bansa base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa pagsisiyasat  na isinagawa mula December 8 hanggang 16, nasa 7.6 percent o 1.7 million na pamilya ang nagsabing sila ay nabiktima ng common crimes gaya ng physical violence, pickpockets, theft at carnappers sa nakalipas ng anim na buwan.

Sinabi ng SWS na ang nasabing datos ay 1.5 percent na mas mataas sa naitala noong Sept 2017.

Gayunman, kung ang annual average ang pagbabasehan, ang datos sa taong 2017 ay maituturing na “record-low” sa bilang ng mga pamilyang nagsabi na sila ay nabiktima ng common crimes. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply