Rocco Nacino, na-inspire sa paggawa ng indie film

ON THE SET! ni Noel Asinas

DAHIL sa success ng indie film na Bar Boys na ipinalabas last year at humataw sa takilya at critically acclaimed sa magandang pagkakagawa, makikipag-co-prod na si Rocco sa pelikulang gagawin sa Japan. Kumpleto na ang script at may actress na silang napiling lumabas para leading lady niya.

Kung tapos na lahat ang taping niya sa top rating soap na Haplos ng GMA na napanonood tuwing hapon kung saan katambal niya ang babaeng best friend niya ngayon, si Tanya Lopez. Magsu-shoot na siya ng indie film sa Japan sa Marso.

Pero sa ngayon concentrated pa rin siya sa successful soap na Haplos nila nina Tanya, Thea Tolentino at Pancho Magno. Habang tumatagal sa ere ang teleserye, lalong nagiging complicated ang role niya. Trend setter ang istorya ng soap na tumalakay nang husto sa kulam. Labanan ito ng good and bad persons.

Ani Rocco: “Namatay na ako, muling nabuhay. Iyan ay dahil sa kulam sa akin ni Thea.“

Wala siyang masabi sa dalawang actress na naglalabanan sa istorya. Parehong professional ang dalawa kapag katrabaho. Mas close sila ni Tanya dahil magkatambal sila last year sa Encantadia. More than one year na silang nagti-taping.

Successfui ang series dahil naiiba ang istorya at araw-araw ay may pangyayaring di mo inaasahan.

 

Ashley Ortega and Enrico Cuenca, balik-tambalan sa Kwentong Jollibee Valentine’s Day story

DAHIL nag-viral ang Kwentong Jollibee Valentine’s Day story Crush last year nian Kapuso stars Ashley Ortega and Enrico Cuenca, gina- wa nang series ito at ang second episode ay may titulong Homecoming.

Mas nakakikilig ang second episode dahil mas nakai-in love. Mababatid ang mga nangyari kung bakit nagkahiwalay ang character nina Ashley at Enrico. Mas nakaiiyak dahil parehong lumuluha ang dalawang bida ng episode.

Ani Ashley: “Two days shoots ang ginawa naming ito kaya kita mo ang natural na pag-iyak. Lalo nang nagkita muli kami ni Enrico. Ako ang nag-abot sa kanya ng langhap sarap Jollibee burger sa park.”

Dahil sa Kwentong Jollibee Crush episode, nabuo ang tandem nila ni Enrico sa pelikulang Spirit of the Glass ng OctoArts Film. Pinagtambal din sila sa GMA sa ilang drama anthology shows ng network. Magkasama rin sila sa hit soap na Super Ma’am.

 

Ruru, hinahangaan ang husay sa pag-arte

EVERYDAY, wala nang ginawa si Ruru Madrid kundi ang manggulat sa mga fans nito pagdating sa development niya sa pag-arte.

Marami talaga ang nakapapansin ng natural na husay ni Ruru sa pag-arte lalo ngayon sa serye niyang Sherlock Jr. kung saan pinagsamang romance, action at comedy ang dala nito. Kahit saang genre mo man kasi dalhin ang Kapuso actor, talagang may ibubuga ito.

Ang nasirang manager-mentor-director na si Maryo J. delos Reyes ang humubog kay Ruru na nang unang nakita niya pa lang ay kinakitaan niya ng talent. Isa sa versatile young actor ngayon ng GMA si Ruru tulad ng ipinakikita niyang performance sa Sherlock Jr.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply