Sanofi i-blacklist

NANAWAGAN ang mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-blacklist na ang Sanofi at huwag na itong papasukin sa alinmang transaksyon sa gobyerno.

Ito ang naging panawagan nina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs matapos bigyang diin ng Sanofi Pasteur sa pagdinig ng Kamara na hindi ito magre-refund sa mga hindi nagamit na Dengvasia vaccines maging sa mga nasawi dahil sa bakuna.

“So kung ayaw nilang magbayad, the only option here is through the legal process. Let us institute blacklisting of Sanofi,” ani Batocabe.

Kailangan aniyang kumilos na ang Department of Health para i-blacklist ang Sanofi bukod pa aniya sa tuwirang paghahain ng kaso lalo pa’t mapatunayan na ito nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilan sa may 800, 000 batang nabakunahan.

Sa panig naman ni Barbers ay iginiit niyang hindi dapat matakot ang gobyerno kahit ang Sanofi ay isang multinational company.

Aniya, dapat aniyang itulad ito sa usapin ng tren na nang matuklasan ang mali sa operasyon ay agad na na-blacklist ang kompanyang nananagot sa maintenance nito.

HINDI MAGRE-REFUND

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay nanindigan ang Sanofi Pasteur na hindi ibabalik ang ibinayad ng gobyerno sa mga nagamit na Dengvaxia vaccines.

Ito ang tugon ng Sanofi sa ipinadalang demand letter ng DOH na ibalik ang P1.8 bilyon na halaga ng mga hindi nagamit na bakuna.

Binigyang diin pa ni Thomas Triomphe ng Sanofi na nagdesisyon na ang kompanya na huwag i-refund dahil lilitaw aniya na hindi epektibo ang produkto.

Nanindigan pa nga ito na bumuba aniya ang kaso ng dengue sa bansa dahil sa Dengvaxia. MELIZA MALUNTAG

 

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply