Sweet na sweet ngayon sina Sharon at Gabby!

SHOWBYTES ni Danny Vibas

KUNG ang mag-ex-wife-and-husband na Vicki Belo at Atom Henares ay magkasundung-magkasundung-magkasundo, gayun din naman ang ex-couple na Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Dumalo ang pamosong beauty doctor sa kasal last week sa Tagaytay ng ex-husband n’ya sa isang nagngangalang Natalie. Kasama ni Vickie ang current husband n’yang si Hayden Kho at ang ampon nilang batang babae na si Scarlet Snow.

May dalawang anak ang doktora at dating radio station owner (DWNU, ang Wish Radio ngayon) na sina Crystalle at Quark (lalake po siya at dating feature film director) at sila man ay dumalo sa kasal ng kanilang ama.

May asawa na rin si Crystalle na isang banyaga. Walang balita kung may asawa o may kinakasama si Quark.

Si Atom ay kapatid ng aktor-direktor sa Kapuso Network na si Ronnie Henares (na noon ay naging boyfriend ni Vilma Santos). Mga anak sila ng pamosong economist-columnist-broadcaster na si Larry Henares na naging government official din sa ating bansa.

Si Atom Henares man ay dumalo last year sa sosyal na sosyal na kasal nina Vickie ay Hayden sa Paris.

Kung gusto n’yong makita ang mga litrato nila na magkakasama, naka-post ang mga yon sa Instagram na @victoria_belo.

Isa sa mga larawan ay nilagyan ng doktora ng dedication na: “Your wedding was beautiful and touching and you two are perfect for each other.”

* * *

Mistulang nagkarinyuhan naman sa Instagram ang ex-couple na sina Sharon at Gabby Concepcion ilang araw lang ang nakalipas. Masasabing si Gabby ang nagpasimula ng Instagram karinyuhan na yon.

Nag-post si Gabby sa kanyang Instagram [@concepciongabby] ng litrato n’yang may hawak siyang roses. Ang caption ng litrato ay: “When the end approaches, so does the beginning.”

Mukhang ang picture ay isang eksena sa Kapuso network teleserye n’yang “Ika-6 na Utos,” kung saan ang katambal n’ya ay si Sunshine Dizon. Parang pagpapaalam sa teleserye ang posting n’ya.

Pero nilagyan n’ya yon ng hashts na #goodvibes #10 #20. Dahil sa numbers na 10 at 20, nagsuspetsa ang die-hard Sharon-Gabby fans na para sa tinaguriang megastar ang mensahe ni Gabby.

Maraming fans ang nag-reply sa posting ni Gabby at nagsabing ang “10/20 over!” ay ang secret code nina Sharon at Gabby sa radio guestings nila. Ang ibig sabihin daw ng secret code na yon ay “I love you.” Others pointed out that “10:20” was the time of KC Concepcion’s birth in April 7, 1985.

Pero ang talagang nakapagpakilig sa die-hard fans nung dalawa ay nung nag-comment si Sharon kay Gabby na: “You naughty! “Crazy hahaha. No se que!”

Ang “No se que” ay Spanish ng “Ewan ko!” Parehong marunong ng konting Kastila sina Sharon at Gabby.

Gabby replied to Sharon with wink and peace sign emojis, and the hashtags #supernatural #superman.

Nag-post din si Sharon sa Instagram ng mensaheng poster para sa sa fans nila ni Gabby. Aniya: “Even miracles take a little time.” Nag-post din siya ng poster na ang nakalagay ay up“Babe Cave.” Ang caption n’ya sa dalawang yon ay: “Aba aba aba hahaha!

Naglagay rin siya ng hashtags na #02 #01, ang kabaligtaran ng 10/20.

May pahabol pa ang megastar. Nag-post din siya ng lumang pictures nila ng anak nilang si KC, at nilang dalawa ni Gabby nung magka-loveteam pa sila. “Kwaysie-Waysie of Shawon & Gabby,” ang inilagay n’yang caption ng litrato nila ni Gabby.

Mukhang parehong umaasa sina Sharon at Gabby na makagagawa pa sila ng pelikula na magkasama.

Ano sa palagay n’yo?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply