Tambalan Kylie Versoza at Robin Padilla, inaabangan!

TEKA MUNA ni Gerry Ocampo

NARARAMDAMAN na ba nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi na kasing-init ng dati ang tinatamasa nilang kasikatan magmula nang ibulgar ni Maine na wala silang relasyon at hanggang magkaibigan lang sila ni Alden?

Pero kahit nabawasan ang kanilang kasikatan ay mayroon pa rin mga diehard fans na hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang kanilang suporta sa dalawa whatever happen sa kanilang lovelife.

Katunayan ay may umiikot raw na petition ng kanilang fans na umaapela na ituloy raw sana ang project na magkasama ang kanilang iniidolo na sina Alden at Maine.

Hanggang ngayon ay wala pa kasing ibinabalita ang GMA 7 at maging ang kampo nina Alden at Maine kung may pag-asa pa silang magsama matapos nga yung ginawang open letter tungkol sa kanila ni Alden.

Tanong ng kanilang mga diehard fans, kung mayroon pa raw ba silang project na aasahan, pelikula or TV?

Samantala, matatandaang before Christmas ay sinabi ng manager ni Maine na si Mr. Tony Tuviera tuloy ang pelikulang pagsasamahan muli nina Maine at Alden. Pero hanggang ngayon ay wala pang balitang kung anong nangyari.

Eh, ngayon ay tila priority ni Alden ang mag-travel na hindi kasama si Maine.

Sugalan pa kaya sila ng producer matapos ang nangyaring pagbubulgar ni Maine na walang nangyayaring maganda sa kanilang relasyon ni Alden?

* * *

Nagdiwang ng kaarawan ang tatay ni Ruffa Gutierrez na si Eddie Gutierrez, 76 years old na ngayon. Pinost ni Ruffa sa kanyang Instagram ang larawan noong inalala niya ang year 1986 kung saan nagdesisyon na ang kaniyang mga magulang na sina Eddie at Annabelle Rama na manirahan nang tuluyan sa ating bansa matapos ang ilang taon paninirahan nila sa Tate.

“Today is Dad`s 76th birthday. Have you seen him? He looks AMAZING!!! Thank you Dad for all that you`ve done for our family. For working hard, for putting food in the table, for sending us to the best school. For being the loving, caring compassionate human being that you are.

“We love you Dad and honor you on your special day! It`s our turn to work hard and give you happy, stress-free life. Happy 76th birthday to the one and only EDDIE GUTIERREZ!!! #76NeverLookedThisGood,” post ni Ruffa.

Happy birthday din po Tito Eddie at ganoon din sa former Pantasya ng Bayan na si Liz Alindogan.

* * *

Hindi natuloy ang pagsasama nina Robin Padilla at Arci Munoz sa isang sexy drama movie na inspired ng Fifty Shades of Gray dahil nagkaroon ng conflict sa schedule ni Binoe.

Ayon kay Robin kaya hindi natuloy ang pagtatambal nila ni Arci dahil inumpisahan na ang taping niya para sa teleserye ng ABS CBN.

“May ganyan konsepto nga (Fifty Shades of Gray) hindi lang namin nagawa last year. Natabunan, bigla kasi ako tinawagan ng ABS CBN. Hindi ko alam kung itutuloy pa ng Viva,” say ni Robin na kung natuloy ay first time siyang sasabak sa isang sexy drama movie.

Tapos na ang kontrata ni Arci sa Viva kaya posibleng hindi na matuloy pagtatambal nila at isa pa posibleng dahilan ay nagbago na ang hitsura ni Arci sa kare-retoke.

Maaari pa ring matuloy ang project at ang puwedeng ipalit kay Arci ay si Kylie Versoza na contract star na ngayon ng Viva Films.

Hindi nga ba press release ng Viva matapos na pumirma ng kontrata sa kanila ng beauty queen ay huhubaran nila ito para sa isang magandang project.

Kapag nagkataon ay siguradong pag-uusapan ang pagtatambal nina Robin Padilla at Kylie Padilla sa isang pelikula na inspired sa Fifty Shades of Gray, di ba?

* * *

Ang ama raw ni Ruru Madrid ang madalas kinakausap ng mga talent manager na gustong i-manage ang showbiz career ng kanyang anak matapos na yumao si Direk Maryo J delos Reyes, ang mentor at manager ni Ruru na bida sa Sherlock Jr, bagong serye ng GMA 7.

May exclusive contract si Ruru sa GMA Artist Center at GMA Network hanggang 2019. Reportedly, nakasaad daw sa kontrata ni Ruru na kung sakaling mawalan siya ng manager, ang GMA Artist Center ang solong mamamahala na sa kanyang showbiz career.

At kung gugustuhin naman raw ni Ruru na kumuha ng bago niyang manager ay siya na ang magbabayad ng additional commission.

May lumabas na balita si June Rufino raw diumano ang magpapatuloy ng pagmama-manage ng showbiz career ni Ruru at iba pang alaga ni Direk Maryo J, pero tila malabo itong mangyari dahil nga sa exclusive contract ni Ruru sa GMA at GMA Artist Center.

Sa ngayon, kahit kinakausap ng interested parties ang tatay ni Ruru ay hindi sila puwedeng magdesisyon dahil dapat igalang nila ang kontrata na pinirmahan ni Ruru sa GMA 7 na siyang nagbigay ng malaking break at sa kanyang mentor/manager na yumaong si Direk Maryo J delos Reyes.

After year 2019 pa puwede silang magdesisyon kung magpapalit ng manager or mananatili pa rin sa GMA Artist Center at GMA Network si Ruru

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply