Trillanes idineklarang persona-non-grata sa Davao

CONGRATULATIONS Davao City.

Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Harry Roque makaraang ideklara ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao na persona-non-grata si Sen. Antonio Trillanes IV at New York-based philanthropist Loida Nicolas Lewis.

“I don’t know how you want me to react because this has nothing to do with the President and I speak for the President, other than that, congratulations Davao City,” ayon kay Sec. Roque.

Ang desisyon ng Davao City na ideklarang persona-non-grata sina Trillanes at Leiws ay may kaugnayan sa naging pahayag ng senador kamakailan na number 1 sa murder cases at number 2 sa rape at itinuring pa na “most dangerous city” daw ang lungsod sa buong Pilipinas.

Samantala, sa halip naman na magpakumbaba ang senador ay mas lalo niyang binira ang Davao City at sinabing masakit aniya talaga ang katotohanan na ‘most dangerous city” ang Davao.

Ang Davao City ang hometown ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi pa ni Senador Trillanes na ang kanyang mga ipinalabas na kalatas ay ibinatay niya sa December 2015 statistics ng Philippine National Police (PNP). KRIS JOSE

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply