Usap-usapan pa rin ang pag-epal ni Maine sa premiere night ng movie nina Carlo at Bela

PAPAK! ni Abe Paulite

HANGGANG ngayon ay paboritong topic pa rin sa pondahan ni Mang Kanor ang sinasabing pag-epal ni Maine Mendoza sa premiere night ng Meet Me In St. Gallen, ang pelikulang pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Bagama’t maganda ang ginawa ni Maine dahil nagpakita ito ng suporta sa naturang pelikula lalo na sa director na si Irene Villamor

na direktor nila ni Alden Richards sa kanilang GMA-7 prime time series na Destined To Be Yours pero para sa iba, masama ang dating dahil imbes na sa direktor tsumika ng todo si Maine, kay Carlo ito umaringking.

Suwerte nga raw ni Carlo dahil of all people in the industry, sa kanya nagpaka-fan si Yaya Dub samantalang kandarapa rito ang ilang malalaking artista para lang makipag-sellfie at sabihing tagahanga sila nito.

Anyway, sa pagpunta ni Maine sa premiere, dalawang babae raw ang kanyang nasapawan, si Angelica Panganiban na ex girlfriend ni Carlo at ang leading lady ng actor na si Bela na iniwan nito pagkatapos na bitbitin siya ng direktor para dalhin sa kinauupuan ni Maine na kanina pa raw pasulyap-sulyap sa magaling na aktor. At nung makipag-selfie si Maine kay Carlo, halata raw na crush nito ang aktor. Namula ang mukha nito at hiyang-hiya pa raw sa aktor na tila lalong pomogi dahil nabuhay na naman ang career.

Naku, baka magwala na naman ang Aldub Nation. Huwag ninyong iba-bash si Carlo dahil yong idol naman ninyo ang gumawa ng first move. Hehehe!

 

STAGE PLAY NA FOR ADULTS ONLY, SA FEBRUARY 10 NA SA MUSIC MUSEUM

Solo Para ADULTOS (For Adults Only) is a theatrical play that talks about a love that struggles through the cruelty of life; a life in the entertainment world.

Starring: April “Congrats” Gustillo, Vivo Ouano, Tori Garcia, Andres Vasquez and John Raspado. Directed by Alejandro “Bong” Ramos

Presented by Red Lantern Production.

Will there be real love between convoluted individuals and relationships?

Veronica Fox, JV San Miguel and Alfred are are all victims of a cruel world and the creative minds behind the film ‘Solo Para Adultos’ (‘For Adults Only’ in English).

Meet Fox, a female porn star who comes back to her native land to make a meaningful pornographic film. She gets reunited with her long-lost lover—Alfred, but their past becomes even more complicated with another party involved with a matinee actor—JV San Miguel.

After years of separation from each other—both Veronica and the man she once loved (who is now a masseur) get intimate with each other. More and more challenges surface as they work together in a film project.

Will Veronica and Alfred’s love for each other blossom this time and find a happy ending or will it remain just a dream?

Tickets are available at Ticketworld and Music Museum 721-6726.

 

ERWAN EUSSAFF, KUSINERO NI ANNE CURTIS

Maganda ang samahan ng bagong mag-asawang sina Erwan Heussaff at Anne Curtis. Dahil hindi naman kabonggahan ang career ni Erwan pagdating sa rampahan, sya ngayon ang nagsisilbing taong-bahay. At kapag sa bahay lang naturalmente obligasyon niyang tirahin ang iba’t ibang household chores lalo na ang pagluluto.

Sa It’s Showtime kamakailan ay sinabi ni Anne na masaya siya dahil parati siyang ipinagluluto ng kanyang mister. At mukhang sa pagkukusina nga yata siya nabihag ni Erwan na isang chef. Ito rin daw ang nagsisilbing dietician ng actress/host. Erwan is a very health conscious man. Kaya kung ano ang hitsura ng katawan nito nang magkakilala sila ni Anne ay maintained nito hanggang ngayon. In fact, sa kanyang culinary expertise, nakapag-formulate daw ito ng weight loss program na sinusunod nilang mag-asawa. Saan ka pa? Kaya kahit sinasabing mas di hamak na malaki ang kinikita ni Anne, bow naman siya pagdating sa pagmamahal sa kanya ng kanyang asawa na super bait, pasensyoso at hindi seloso.

Love of food, health, and travel dyan sila nagkakasundong mag-asawa. Aba’y simula nang magpakasal si Anne kay Erwan, parati na lang masaya ang Kapamilya talent. Inspired siya lagi kapag pumapasok sa kanilang noontime show. ‘Yun na!

* * *

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply