Valentine concert, naging pang-Holy Week show

SOBRANG disappointed ang sosyalerang veteran singer na local counter part daw ng Hollywood singer na si B.E. dahil ang inaasahan niyang dudumuging show niya sa maliit na venue sa darating na Valentine’s Day ay nauwi sa wala. Maging ang mga may pangalan din niyang mga guest ay naunsyami din at balitang na-bad trip sa kanya dahil sya ang pinili sa pag-aakalang magiging blockbuster ang kanilang valentine concert ngunit maka-cancel lang pala. Hindi nga sila tumanggap ng ibang raket para lamang sa event na ‘to. Susme!

Imagine, pitong tickets lang daw ang maibenta? Kaya ang show na dapat ay sa Araw ng mga Puso, nare-schedule ito for lenten season, kamuntik pa nga raw lumagpak ng Mahal na Araw. Hehehe!

Pero bakit kinalimutan na ng kanyang mga fan ang singer na ‘to? Hindi pa naman siya katandaan at hindi pa sumasablay ang boses. Siguro dahil pinaglumaan na ang kanyang mga kanta. Hindi na siya gumawa ng makabagong mga awitin na pwedeng magustuhan ng mga millennial.

Ako din ‘di ko na magustuhan ang kanyang mga awaitin. ‘Yun lang!

LOVI POE’S PRE-BIRTHDAY CELEBRATION WITH KIDS OF CHILD HOPE ASIA PHILIPPINES

Maagang sinalubong ni Kapuso Premier Drama Actress Lovi Poe ang kanyang kaarawan. Isang espesyal na pre-birthday celebration ang kanyang inihanda para sa mga bata mula sa Child Hope Asia Philippines. Bukod sa masarap na salu-salo, nagkaroon din ng masasayang games para sa lahat. Nagpamigay din si Lovi ng mga regalo para sa lahat ng dumalo.

Naging tradisyon na ni Lovi na maging bahagi ng special moments niya sa buhay ang Child Hope Asia Philippines na kanyang tinutulungan for more than five years.

“My heart is bursting with happiness that I got to spend this day with the kids of Child Hope Asia Philippines. You are my inspiration and I really look forward to spend time with you every year. Thank you for making my birthday extra special and memorable,” pahayag ni Lovi.

Sa kabila ng kanyang busy schedule para sa taping for her primetime soap na The One That Got Away kung saan ginagampanan niya ang character ni ALEX, pinagkakaabahalan din ni Lovi ang pagpo-promote para sa kanyang movie na “The Significant Other.”

ATE SHAWIE, IBINULGAR ANG LAHAT NG MGA NAGING LALAKI

Maliban sa kanyang real name, gumagamit din pala si Sharon ng ibang pangalan sa kanyang facebook page. April Mondragon ang isa niyang namesung sa FB. ginagamit daw niya ito para sa pamilya niya, kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Nang magkaroon ng pakikipagtalastasan itong nagngangalang Krizette Laureta Chu sa FB sa kanyang mga kaibigan ay nagulat daw ito ng biglang nakisali sa kanila si April Mondragon na umamin bandang huli na siya si Ate Shawie.

Pa’no namang di sasali si Mega eh, sya ang naging topic sa nasabing usapan.
“Hi! This is Sharon using a different account. Albert Martinez (phone pal puppy love only), then my first real love Gabby. Then Rowell. Back to Gabby.

After the marriage ended, someone nonshowbiz, J. na lang I will call him. Then Richard. Robin. Richard. Nonshowbiz C., then Richard again. Kiko. And Robin in between all the Richard time frames and everyone else’s somewhere too. Hahaha! I will end there na. Let’s just say that great loves begin with R. Not including great love ex-hubby kasi asawa yon. Iba yon. Naks. Thank you!” litanya ng singer/actress.

Ngayon alam nyo na kung sino-sino ang mga naging julakis ni Ate Shawie. Hehehe!

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply