3 drug suspects dakip sa QC

BALIK-KULUNGAN ang isa sa tatlong naarestong drug suspects matapos magkasa ng buy-bust operation ang Quezon City Police District (QCPD) Station 7.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Lineton Versosa at Angelo Mendoza, kapwa pangunahing target sa operasyon, at Albert Fajardo na mayroong standing warrant of arrest at kalalaya lamang.

Aminado ang tatlo na gumagamit sila ng iligal na droga ngunit iginiit nilang hindi sila nagtutulak.

Ayon naman kay Fajardo, gumagamit lamang siya ng droga kapag maglalaro ng basketball.

Sinabi naman ni Kagawad Mar Castillo ng Brgy. San Martin De Porres, palagi nilang pinagsasabihan ang tatlo na tumigil na sa paggamit ng droga. Katunayan ay sumuko na sa Oplan Tokhang si Fajardo, ngunit hindi naman ito dumadalo sa mga programa ng barangay.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply