ALIPORES NI DE LIMA TUMABO

SABOTAHE ang nangyari ri­yan sa kaso ni Kerwin Espinosa at Peter Lim, mga notorious na druglord, na kara-ka­rakang “inabswelto” ng Department of Justice (DOJ) prosecutors.

Hindi ako nagtataka at nagpupuyos sa galit si Pangulong Duterte sa kabUlastugan na ‘yan ng DOJ. Pati mga senador at si Phi­lippine National Police chief Director-General Ronaldo dela Rosa ay nagitla at hindi makapaniwala sa akala nila’y “fake news” lang.

Mabuti na lang at nandiyan si P/Major Jovie Espinido na handang magpatupad ng hustisya sa sandaling makalaya ang mga kilabot na druglord na ‘yan.

Kailangang ipaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung paanong naipa­labas na kulang sa ebidensya ang kasong laban kay Espinosa na matapos masukol sa pagtatago sa Abu Dhabi.

Tumakas si Espinosa bago pa napatay sa kulungan ang kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.

At malaki ang papel ni Espinosa sa kaso laban kay da­ting DOJ Secretary at ngayo’y Senator Leila De Lima.

Inamin ng hayup na drug­lord na ito na milyon-milyong piso ang kanyang ibinigay kay De Lima para sa kampanya noong 2016 elections.

Umaalingasaw ang ano­malya sa naturang disposis­yon ng DOJ panel of prosecutors na pinaboran hindi lamang si Espinosa at Lim kundi pati na rin si De Lima.

Sino ang niloloko ninyo?

Isang malalim at no-nonsense na imbestigasyon ang kinakailangan para mabulgar ang mga natitirang bugok na itlog na iniwan ni De Lima sa DOJ.

Ang tanong: Magkano ang kinita ng mga alipores ni De Lima sa DOJ?!!! Iyang mga ani­mal na ‘yan ang matagal nang nagpapa­sasa sa korapsyon sa ahensyang yan.

***

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanonood ang din ang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksiyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank) DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply