AMERIKA O CHINA?

NAGMAMAGALING ang ilang indibidwal na kung tawagin nila ang sarili at mga social at political analysts. Para bang sila lang ang nakakaalam ng tunay na estado ng bansa lalo na sa usapin ng ugnayan sa ibang mga bansa.

Ang CHINA para sa kanila ay abusado dahil daw sa “pang-aagaw” ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea. At iisa ang turo ng kanilang dliri, kapabayaan daw kung hindi man karuwagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Dapat daw ay manatili tayo bilang saradong kaalyado ng AMERICA dahil sa haba raw ng naitatag na relasyon ng Pilipinas at America mula nang “iligtas” daw nila tayo sa kamay ng mapanakop na Espanya?

Tapos na ang Cold War. Ito ay panahon ng banggaan ng mga “demokratikong bansa” sa pangunguna ng America at mga kaalyado nito laban sa mga komunistang bansa na pina­ngunahan noon ng Russia at China.

Halos 100 taon tayo na kakampi ng America, ano ang buhay nila at buhay natin? Pantay ba batay sa “demokratikong institusyon” nila?

Bawal nga na mamili tayo ng sarili nating armas ng wala silang pagsang-ayon eh. Maski ang teritoryo natin sa West Philippine Sea noon pa, may ginawa ba silang proteksyon?

Kasaysayan ang nagsasabi na halos katutubo pa lang ang mamamayan ng mundo noon, wala pa ang pagsakop ng Kastila, kaalyado na natin sa ekonomiya ang China.

Nasa kasaysayan din na binigyan nila ng dangal ang maraming Pilipino noon katulad ng pagkilala sa Sultan ng Sulu na binigyan nila ng parangal.

Inabot ni Pangulong RODY ang problema na nangyari sa West Philippine Sea.

Halos buong teritoryo ay ginuhitan nila, ang 9 dash line at sinimulan ng China ang pagtatayo ng kanilang artipisyal na isla. May ginawa bang aksyon ang America?

Sa away ng China at ng nagdaang rehimen ni Noynoy Aquino, itinigil ang pagpasok ng anumang produkto natin sa kanila lalo na ang produktong agrikultura tulad ng saging, pinya at marami pang iba. Zero tayo!

Ngayon, heto ang mga magagaling at nagmamagaling na manunuri daw ng pandaigdigang usapin. Mahinang lider si Mayor DIGONG.

Papet na ng China at takot bumangga sa higanteng kaaway? Punyeta! Nakabalik na ang mga produktong agri­­kul­-tura natin sa China.

Tumigil na sila sa pagawa ng bagong isla. Nakabalik na sa Bajo De Masinloc ang mga mangingisda at nagbuhos ng tulong pinansiyal sa atin. Ano ang problema?

America o China? BALETODO/ED VERZOLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply