Anti-political dynasty bill, inaprub ng Senado

UMABOT sa labing-tatlong mambabatas ang pumabor sa pag-aapruba sa pinagsanib na panukalang pag-ban sa political dynasties sa bansa kaya ipagbabawal na tumakbo ang malapit na kaanak at extended relatives na pumalit o magkasabay na mahalal sa kasalukuyang nakaupong politiko sa iisang lugar.

Napagalamanan sa ginanap na sesyon ng Senado nitong gabi ng Miyerkoles, pinagtibay ang Senate Bill No. 1765 sa ilalim ng Committee Report No. 367 matapos isumite ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation sa pamumuno ni Sen. Kiko Pangilinan.

Lumagda sa panukala sina Senate Minority Leader Frank Drilon, Senators Risa Hontiveros, Loren Legarda, Panfilo “Ping” Lacson, Grace Poe, Joseph Victor “JV” Ejercito, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Nancy Binay, Sonny Angara, Ralph Recto, Sherwin “Win” Gatchalian, Leila de Lima, at Francis “Kiko” Pangilinan.

Nililimitahan ng panukala ang kaanak ng sinumang politiko na tumakbo sa halalan kapag may naihalal na sa kanilang angkan tulad ng kabit at ligal na asawa, kapatid kahit half-brother lang, magulang, anak na lehitimo, hindi lehitimo o ampon at asawa ng mga malalapit na kaanak.

Ipinagbabawal din ng panukala ang mga incumbent national election official kabilang ang party-list representative na may kaanak na tatakbo sa anumang posisyon sa pambansa o lokal na posisyon kabilang ang barangay captain, mayor, governor, at district representative alinmang bahagi ng bansa at vice versa.

Sa ginanap na pagdinig nitong Pebrero 15, inilahad ng mga miyembro ng akademya ang mga pangangailangan upang ipagbawala ang political dynasties:

Ipinagbabawal ng Saligang Batas, kailangan lamang na lagyan ng depinisyon ng Kongreso.

Pinapatay ng political dynasties ang demokrasya.

Sanhi ng kahirapan at kawalan ng pagkapantay-pantay ang mga political dynasties.

Sinisira ng political dynasties ang pagka-pantay-pantay.

Pinipigil ng political dynasties na makapagsilbi ang iba. Hindi nakakalahok ang mas nakababatang kandidato sanhi ng political dynasties.

Hindi makontrol ng mamamayan ang naihalal.

Abusado ang mga matatabang political dynasties kaya’t dominado nila ang halalan. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply