Boracay 6 na buwan na sarado sa turista

AABUTIN ng anim na buwan bago tuluyang maibalik ang dating ganda ng Boracay island.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang makausap nito si Department of Environment and Natural Resources (DENR) officer in-charge Eduardo Año.

Aniya, kung ganito katagal ang magiging rekomendasyon ng denr para masolusyunan ang mga kinakaharap na problema sa isla, handa nya itong suportahan.

Ngunit sa nasabing pakikipag-usap ni Pang. Duterte kay Año ay hindi natalakay ang usapin hinggil sa kung Ipatutupad ba ang total closure o state of calamity SA isla ng boracay.

Matatandang, nagbabala ang Pangulo na kanyang ipaaaresto ang mga local officials ng Boracay na hindi makikipagtulungan sa pagsisikap ng gobyerno na maisalba ang isla. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply