Boracay hindi isasara habang nasa peak season

TILA hinikayat ng Malakanyang ang mga bakasyonista, turista at mga Filipino na samantalahin ang pagkakataon na magpunta ng Boracay Island habang hindi pa nagdedesisyon na ipasara o ipahinto ang operasyon nito.

Naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi isasara ang Boracay habang nasa peak season ito.

“Proceed to Boracay, especially since its Holy Week. I don’t think any closure will happen during the peak, peak season of Boracay. We are looking at possibly, if the President finally accepts the recommendations, lean season,” lahad ni Sec. Roque.

Nananatili namang status quo ang operasyon sa mga resorts sa isla ng Boracay.

Ani Sec. Roque, hangga’t walang inaanunsyo si Pangulong Duterte na itigil na ang operasyon ng mga establisimyento sa Boracay Island ay maaaring dumayo ang kahit na sino sa nasabing isla.

“No specific instruction has been made by the President and if he has made a decision then, I would most certainly be the first to announce it. So, right now, there’s not been any decision,” diing pahayag nito.

Wala namang ideya si Sec. Roque kung kasama sa susunod na cabinet meeting sa April 3 ang usapin ng Boracay. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply