Bus terminal sa Cubao, ininspeksyon ni Bato

BILANG simula ng Oplan Summer Vacation o ‘Oplan Sumvac 2018’ para sa nalalapit na Holy Week, personal na ininspeksyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga bus terminal sa Cubao.

Dito kanyang tinignan ang kondisyon ng mga bus na tumatakbo at kinamusta ang ilang mga pasahero.

Tinignan rin ni Dela Rosa ang proseso ng pag-check ng gamit ng mga security guards.

Ngayong huling araw ng mga klase sa paaralan at inaasahan ang simula ng pagdagsa ng mga bibiyahe pauwi sa mga probinsya.

Ayon kay Dela Rosa, bagaman walang banta na natatanggap, ayaw nilang magpakampante.

Naka-full alert din ang kanilang hanay para matiyak na hindi sila malulusutan.

Kasunod nito, kanyang hinihakat ang publiko na makipag-ugnayan sa kanila at huwag mag-atubuling magsumbong sa 2286 at 911 hotline sakaling may mamataan na kihina-hinalang aktibidad o mga krimen.

Ang Oplan Sumvac ay tatagal hanggang June 13.

Ito ay nakatuon sa pagbibigay seguridad sa mga pampublikong lugar partikular na yung tinatawag na “areas of convergence”. Kasama na rito ang mga terminal, seaports at airports. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply