Casino sa Boracay oks kay Alvarez

IPINAGTANGGOL ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang planong pagtatayo ng casino sa Boracay sa gitna ng bantang ito ay pansamantalang ipasasara upang maisailalim sa rehabilitasyon.

Naniniwala si Alvarez na kung nasunod ang lahat ng alituntunin ay walang masama sa pagtatayo ng casino sa Boracay.

Ang lugar aniya ay isang tourist zone na maaaring pagtayuan ng casino at hindi lamang sa Metro Manila.

Hindi aniya dapat gawing isyu ang pagtatayo ng casino sa Boracay dahil ang totoong problema dito ay problema ng paglabag sa kalinisan na matagal ng hindi inintindi ng mga residente at mga lokal na opisyal.

Mahalaga aniyang masunod ang waste management at sanitation sa anumang itatayong establismiento upang ang Boracay ay ma-preserba sa halip na mababoy.

Naunang inirekomenda ng House Committee on Tourism na pinamumunuan ni Leyte Rep. Lucy Torres ang pansamantalang pagpapasara sa Boracay habang ito ay inaayos o sumasailalim sa rehabilitasyon.

Sa panahon aniya na ito ay sarado, kailangang magpatupad din ng moratorium ang lokal na pamahalan sa pag-iisyu ng anumang permit o clearance sa pagtatayo ng anumang establisimiyento. MELIZA MALUNTAG 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply