Direk Cathy, super miss na raw si John Lloyd!

MALAPIT nang magsilang si Ellen Adarna sa baby nila ni John Lloyd Cruz. Inaabangan na kung ano ang magiging gender ng bagong celebrity baby and of course, sino ang kamukha.

Another $64 question ay kung ipo-post din kaya nina John Loyd at Ellen ang picture ng baby nila sa kanilang social media accounts.

Posible rin naman dahil sa sobrang kaligayahan nila at pagiging proud parents, e, i-display na rin nila ang picture ng baby sa social media. And why not?

And by this time, sana ay ma-inspire si John Lloyd na maging active ulit sa kanyang showbiz career. Marami na rin naman ang nami-miss siya especially his fans.

Isa na sa miss na miss na si John Lloyd ay ang kanyang director na si Cathy Garcia Molina. Sinabi ni Direk Cathy na sobrang miss na niya si John Lloyd nu’ng sumalang siya sa Name the Kapamilya Star segment sa “Tonight with Boy Abunda.”

Tinanong siya ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda kung sino’ng Kapamilya star ang nami-miss niya. Mabilis ang naging tugon niya at sinabing si John Lloyd. Kasunod ang pagsigaw niya ng, “I miss you!”

Tanong pa niya sa ere, “Asan na nga ba siya?”

She even made an appeal na sana raw ay magpakita sa kanya si John Lloyd. Matagal na raw kasi silang hindi nagkikita. Ni text din ata ay ‘di nagpaparamdam sa kanya ang aktor.
More than director-actor kasi ang relasyon na nina Direk Cathy at John Lloyd as she revealed sa programa ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda.

Again, tinanong ni Kuya Boy ang direktor ng box-office hit movie na “My Perfect You” starring Pia Wyrtzbach and Gerald Anderson kung sino ang Kapamilya star that changed her life, si John Lloyd pa ulit ang pinili niya.

In one of our past interviews with Direk Cathy, nabanggit niya that one Christmas time ay nag-stay sila ng kanyang mga anak sa isang five star hotel. All-expenses paid by John Lloyd. Bale ‘yun daw ang Christmas gift sa kanya ng aktor.

Si John Lloyd din daw ang Kapamilya star na nakatampuhan niya na hindi naman nasabi kung matagal na ‘yun or recently lang.

Naku, may kinalaman kaya sa tampuhan nila si Ellen? O baka naman dahil sa tampuhan kaya nila kaya wala pa rin silang ginagawang project together until now?

—oooOooo—

Hindi napigilang maluha ng baguhang singer na si Kiel Alo sa kanyang solo show sa Teatrino kamakailan. Naging emosyonal si Kiel dahil isa sa mga pangarap niya ay natupad.

Sobrang ganda rin kasi ng pagkaka-areglo ng medley para sa ‘Pangarap’ songs na ginawa ng batikang musical director na si Joeben Mirraflor na kinanta ni Kiel.

Just a day before Kiel’s concert ay nakwento sa amin ng kanyang manager na si Kuya Jobert Sucaldito ang list ng songs na gagawin niya for his solo concert.

Na-excite kami na mapanood si Kiel performing the songs na pinasikat ng mga sikat na female singer gaya ng “A Song For You” at “Friend of Mine.”

Indeed, ibang level na talaga ang boses and quality of performance on stage ni Kiel compared sa nakaraan niyang shows. Mas lumawak ang kanyang boses and very heartfelt ang emosyon na niri-release niya sa bawat kanta.

Nadala ni Kiel ang kanyang audience with every song na pinerform niya especially ang owner ng Aficionado perfume na si Joel Cruz at ang Mayor ng Guiguinto, Bulacan na si Mayora Precy Cruz ng Guiguinto, Bulacan.
Again, congrats Kiel! c=SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply