Iniwan ng ka-live in, mister lumaklak ng lason

ISANG lalake na iniwanan ng kanyang live-in partner ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa Malabon City.

Ang biktimang si Dominador Malaay, Jr. 33, pedicab driver, ay nadiskubre ng kanyang kaibigan na si Reynaldo Rizaldo, 22, na nakahandusay na at bumubula ang bibig sa loob ng kanyuang bahay sa 101 Azero St. Sambal 2 Brgy. Tugatog pasado alas 12:00 ng tanghali katabi ang plastic na bote ng silver nitrate.

Ayon kina Malabon police homicide investigators SPO2 Joselito Binayug at PO3 Alcee Jumaquio, bago ang insidente, ang biktima ay kinakitaan ng depression matapos iwanan ng live-in partner.

Base sa salaysay ni Rizaldo, huling nakitang buhay ang biktima Huwebes ng umaga bago ito gumayak para mamasada ng kanyang pedicab. ROGER PANIZAL

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply