Konsyerto ni Celine Dion sa Las Vegas kinansela

KINANSELA ng Canadian superstar na si Celine Dion ang kanyang mga konsyerto sa Las Vegas dahil kailangan niyang sumailalim sa ear surgery.

Si Dion na nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan ngayong buwan ay nakararanas ng patulous eustachian tube dysfunction, kung saan ang middle opening ng kanyang tenga ay nakitaan ng problema na nakaaapekto sa kanyang pandinig.

Ayon sa singer, hindi na kinaya ng gamot ang kanyang kondisyon kaya kailangan na niyang sumailalim sa operasyon.

Dahil dito, kinansela ang sunud-sunod na show ni Dion mula March 27 hanggang April 18 sa The Colosseum sa Caesars Palace sa Las Vegas.

Sa halip ay ginawa na lamang sa May 22 ang petsa ng kanyang show.

Humingi naman ng paumanhin si Dion sa mga nag-book pa ng biyahe patungong Las Vegas para makapanood ng kanyang show. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply