Mag live-in arestado sa shabu

ARESTADO sa ikinasang drug buy bust operation ang mag-live-in sa Barangay 37,  Caloocan City.

Kinilala ang mga sinasabing tulak ng droga na sina Iris Gili, 36 na taong gulang at Randy Amio, 36 na taong gulang na parehong residente sa nabanggit na lugar.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang pitong sachet na naglalaman ng  shabu, mga drug paraphernalia, digital weighing scale, at isang libong pisong buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Caloocan City Police at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply