Matapos katayin si misis, mister nagpakamatay

NAGPAKAMATAY ang isang lalaki matapos niyang saksakin ng ilang ulit ang kaniyang misis sa Barangay La Union, Candijay, Bohol.

Kinilala ang ginang na si Mary Anne Amoguis at ang kaniyang mister naman ay si Victor Amoguis na isang karpentero.

Ayon kay SPO1 Joseph Bayron, desk officer ng Candijay police station, lasing ang mister nang mangyari ang insidente.

Selos naman ang tinitingnang dahilan kaya nagawa ng mister ang pananaksak sa kanyang misis.

Nakita umano kasi nito ang kaniyang misis na may kasamang ibang lalaki bago ang insidente. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply