MEDIAMEN MAY SANDALAN NA

NAKATUTUWA ang naging mabilis na pagtugon ngayon ng gobyerno na mabigyan ng hustisya ang mga napapatay na mediamen na wala na­mang hangad kundi ang tumupad sa kanilang trabaho bilang bo­ses at mata ng taumbayan.

Sa panahon lang ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte nagkaroon ng tunay na kaka­tawan sa mga kagawad ng media para pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat isa sa mga ito na halos itinataya ang kanilang buhay para maisiwalat lang ang katotohanan.

Katunayan, simula nang mai-appoint bilang pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) si Undersecretary Joel Egco, sinimulan na ng mama na pa­gulungin ang matagal nang hinihintay na hustisya ng mediamen na na­ging biktima ng karahasan na may kinalaman sa “freedom of the press” at “right to life” sa bawat media na naghahayag ng katotohanan.

Kaya nga hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Usec. Egco na mabilis na bigyan ng hustis­ya ang pagkakapatay kay Christopher Lozada nang pagbabarilin ito ng tatlong hinihinalang salarin, kabilang na ang driver at body guard ni Bislig City, Surigao del Norte Mayor Librado Navarro na si Rolly Mahilum.Murder ang kaso ng mga ito.

Kung ikukumpara kasi noong nagkaraang mga administrasyon, halos inaamag ang kasong mga pagpatay sa mediamen ngunit ni isang suspk ay walang naparurusahan at walang naipakukulong dahil mismo ang gobyerno noon ay walang pagpapahalaga sa mediamen.

Ngunit ngayon, sa ilalim ng gobyernong Duterte, gumugu­long na ang hustisya para sa mediamen na hinaharas at pinapatay ng mga nasasaga­saan ng mga mamamahayag.

Sa pa­mamagitan ni Usec. Egco, nag­­karoon ng katiyakan, hindi lamang sa kaso ng napa­tay na radio commentator na si Loza­da kundi maging ang buong institusyon ng media, na may pa­roroonan ang kanilang mga ipinaglalaban.

Hindi man direktang idinadawit sa kasong pagpatay kay Lozada ang nasabing alkalde, depende ang lahat sa magiging testimonya ni Mahilum sakaling tuluyan nang ma­dakip at umusad ang kaso sa korte.

KUNG WALANG TONGPATS BAKIT HINDI HINUHULI?

Hanggang ngayon, naka­tayo pa rin ang pwesto pijo ng sugal na drop ball, roleta, co­lor games, pula’t puti at iba pa ni Boyet Magat sa San Carlos, Pangasinan.

Kahit ilang beses nang ipinanawagan ng mga Panga­si­nense na hulihin ang mga ito ay dedma ang kapu­lisan.

Ang balita ay malaki raw ang tongpats ni San Carlos COP Supt. Nestor Cusi kaya hindi raw ito kumikilos.

Kernel Cusi, kung hindi ito totoo ay kumilos ka!

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,0266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/ JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply