Mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity sumuko

BOLUNTARYONG sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw ang mga suspek sa pagpatay sa University of Santo Tomas (UST) law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III .

Ang pagsuko ng mga akusado ay kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa mga ito.

Sa utos ni Manila RTC Presiding Judge Alfredo Ampuan, kabilang sa mga ipinaaresto sa pagkamatay ni Atio sina Mhin Weig Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Joriel Macabali, at Hans Matthew Rodrigo na pawang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law.

Si Atio ay matatandaang namatay sa isang initiation rites ng nasabing fraternity noong Setyembre 17, 2017.

Kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng press conference ang NBI ngayong alas-4 ng hapon sa pagsuko ng mga akusado.  JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply