NAIA, kasama sa top 10 ng “Most Improved Airports in the World”

NAPABILANG ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa top 10 ng mga Most Improved Airport in the World.

Base sa Skytrax World Airport Award 2018, pang-10 ang NAIA sa mga paliparan sa buong mundo na may malaking improvement.

Kabilang sa nasa top 10 ang mga paliparan sa sumusunod na lugar:

– Rome Fiumicino

– Perth

– Calgary

– Taiwan Taoyuan

– Athens

– Nadi

– Montréal

– Moscow Sheremetyevo

– Houston Intercontinental

– Manila

Ang pagkilala sa mga “Most Improved Airports” sa buong mundo ay base sa naging kalidad at development sa performance ng mga paliparan.

Ikinatuwa naman ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakasama ng NAIA sa top 10.

Binati rin ng ahensya si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at ang buong NAIA team para sa nasabing pagkilala. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply