Napoles naghain ng ebidensiya

ISINUMITE na ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan ang dokumentong nagpapatunay na may banta sa kaniyang buhay.

Ito ay kaugnay pa rin sa hangarin niyang mailipat sa witness protection program ng Department of Justice.

Ang kampo ni Napoles ay nagsumite ng incident report na nagsasaad na noong October 12, 2017 ay hinalughog ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Greyhound team na may 40 tauhan ang kaniyang selda.

Pwersahan umanong pinasok ng mga Greyhound team ang kaniyang selda sa pamamagitan ng pagputol sa chain o lock ng kulungan gamit ang bolt cutter.

Sa nasabing insidente ay kinapkapan umano si Napoles ng isang lalaking jail officer at kinumpiska ang mga personal nitong gamit, dokumento at pinutol pa ang kable ng CCTV upang hindi makunan ang sinasabing pagpasok sa kaniyang selda.

Napag-alaman din ng kampo ni Napoles na ang nasabing pwersahang pagpasok ng grupo sa kaniyang selda ay wala umanong permiso at coordination sa duty officer.

Umaasa si Napoles na papayagan ng Sandiganbayan ang kaniyang inihaing Urgent Motion for Transfer of Custody to the DOJ Witness Protection Program upang siya ay maprotektahan matapos siyang pumayag na maging state witness. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply