National ID System, inaprub ng Senado

INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magsasanib sa lahat ng government identification cards (IDs) sa pamamagitan ng isang national identification system.

Sa ginanap na botohan nitong Lunes, Marso 19, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill NO. 1738 o mas kilala bilang Philippine Identification System (PhilSys) Act of 2018, na sinangayunan ng 17 boto, 2 komontra na sina Senador Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan at walang abstention.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, sponsor ng panukala, na magagamit ang Philippine ID System upang mapabilis ang transaksiyon sa gobyerno at pribadong institusiyon at makatutulong din ito upang mapigilan ang krimen.

Aniya, layunin ng panukala na magkaroon ng single official identification para sa lahat ng mamamayan at dayuhang residente sa bansa.

Sa ngayon, umabot sa 33 ang iba’t ibang uri ng “functional” na ID cards sa bansa na ibinibigay ng mga ahensiya ng pamahalaan.

“The huge number of government-issued IDs may lead to “duplication of efforts, wastage of resources, and uncoordinated identity approaches,” ayon kay Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na malaki ang maitutulong National Reference System sa mga law enforcers na pigilan ang kriminalidad at terorismo sa pamamagitan ng mabilisang pag-aresto at paglilitis

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng foundational ID system na may PhilSys Number, PhilID at PhilSys Registry.

Computer ang magbibigay ng PhilSys Number para sa lahat ng indibiduwal na isasama sa laaht ng identification systems ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Non-transferable ang PhilID na may PSN, buong pangalan, litrato ng mukha, kapanganakan, address at fingerprints ng may-ari.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Philippine Statistics Authority na mangasiwa bilang PhilSys Registry.

Alinsunod sa itinakda ng panukala, maaari lamang na ipalabas ang PhilSys sa sumusunod upang protektahan ang right to privacy:

1. Upon the consent of the registered person, specific to the purpose prior to the processing;

2. Upon risk of public health and safety when relevant information may be disclosed, provided the risk of significant harm to the public is established and the owner of the information is notified within 72 hours of the fact of such disclosure;

3. Upon order of the court; and

4. When a registered person requests access to his or her registered information and record history, subject to the guidelines and regulations to be issued by the Philippine Statistics Authority (PSA).

Inatasang panukala ang PSA bilang taga-tago at custodian ng lahat ng data kabilang

Lacson said the PSA would be mandated to act as a respository and custodian of all PSN, registered records at lahat ng impormasyon na mga taong nakarehistro sa PhilSys.

Sinabi pa ni Lacson na nakatakda sa batas na magbuo ng isang PhilSys Policy and Coordination Council (PSPCC) na may kapangyarihan na gumawa at lumikha ng patakaran at alituntunin upang matiyak ang epektibong koordinasyon at implementasyon ng PhilSys.

“An important feature of this proposed legislation is the concept of authentication or the process of verifying, whether online or offline, the identity of an individual against the registry information in the PhilSys or the PhilID,” ayon kay Lacson.

Noong Sept. 8, inaprubahan ng House of Representatives, sa botong 142-7, ang House Bill 6221, o AN Act establishing the Filipino Identification System. ERNIE REYES

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply