NFA administrator, lusot na masibak sa puwesto

LUSOT pa rin na masibak sa kanyang pwesto si National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas George Soriano ng Office of the Cabinet Secretary, na walang nasabon si Pangulong
Rodrigo Duterte nang kanyang ipatawag sa Malakanyang ang NFA council kasama si Aquino para pulungin at pagpaliwanagin hinggil sa tunay na kalayagan ng suplay ng bigas sa bansa.

Aniya, pinaalalahanan lamang ng Chief Executive si Aquino na di bale nang sobra ang buffer stock wag lamang itong magkulang upang masigurong hindi ito magkaroon ng anumang problema.

Isang patunay aniya na hindi nasibak sa pwesto si Aquino at patuloy nitong pagsisilbihan ang administration office ng NFA. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply