Pagkalas ng Pinas sa ICC, walang masamang epekto

TINIYAK ni Trade and industry Secretary Ramon Lopez sa foreign investors na walang masama o negatibong epekto sa Pilipinas ang pagkalas ng bansa sa International Criminal Court (ICC) .

Sinabi ng Kalihim na nakabatay ang pagpapasya ng investors na maglagak ng puhunan sa isang bansa sa ilang factors tulad ng matibay na macroeconomic fundamentals, mabilis na paglago ng ekonomiya, investment rating, demographics at malakas na purchasing power.

Maging ang ranggo sa listahan ng mga bansang pinakamainam na paglagakan ng puhunan kung saan nanguna ang Pilipinas.

Aniya, marami rin namang foreign investors ang hindi nakaaalam na miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Sa kabilang dako, nananatili pa ring miyembro ng United Nations, World Trade Organization, Association of Southeast Asian Nations at iba pang international organization ang bansa. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply