Palasyo, nag-alay ng dasal para sa mga nabiktima ng nahulog na transport bus

NAG-ALAY ang Malakanyang nang taimtim na panalangin para sa mga nabiktima ng nahulog na Dimple Star Transport sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes, Marso 20 ng gabi.

Nagpahayag ng matinding pakikidalamhati ang Malakanyang sa mga pamilya at kaibigan ng mga nabiktima ng nasabing trahedya.

Nananawagan si Presidential spokesperson Harry Roque sa lahat ng mga tsuper ng bus ng ibayong pag-iingat lalo na at papalapit na ang Semana Santa at summer break kung saan libu-libong mga kababayan ang luluwas at uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Walang magagawa ang Malakanyang na pagsabihan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag magsilbing tulay ng mga bus operator sa mga biktima ng vehicular accident para aregluhin ang anumang kaso na kasasangkutan ng mga ito.

Aminado si Sec. Roque na hindi niya magagawa ito dahil pinapayagan ng batas ang pakikialam ng LTFRB o ang pagiging tulay nito sa mga bus operators.

“When the LTFRB acts as a bridge, eh doon din po papunta iyon eh – maski magkasuhan, pupunta rin po ‘yan sa settlement dahil nga allowed ang settlement sa mga quasi-crimes. Ang sasabihin po natin is, bukod pa doon kinakailangan paigtingin iyong kanilang responsibilidad na siguraduhin na ang mga public utility buses are well-maintained and the drivers are up to date as far as skills development is concerned,” lahad ni Sec. Roque.

Binigyang diin ni sec. Roque na talagang nasa batas ang quasi-delict na kapag namatay ang isang tao dahil sa isang vehicular accident ay talagang pupuwede aniyang magkaroon ng compromise agreement pagdating sa quasi-crimes.

Gaya na aniya nito ang reckless imprudence.

Sa kanyang personal na pananaw ay talaga aniyang ang batas ang mismong nagsasabi na pupuwedeng maareglo ang ganyang mga usapin.

Kaya ang magagawa na lamang aniya ng Malakanyang ay paalalahanan ang LTFRB na mayroon din itong katungkulan na mag-supervise ng mga public utilities.

“At kinakailangan nga paigtingin iyong kampanya ng LTFRB pagdating sa maintenance ng mga bus at saka doon sa continuing effort na dapat ay maitaas ang kakayahan ng mga public utility bus drivers,” diing pahayag ni Sec. Roque. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply