Pang. Digong, nakulangan sa draft ng MU para sa proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait

HINDI pa kuntento at tila nakulangan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa draft ng Memorandum of Understanding para bigyan ng proteksiyon ang mga Pinay workers sa Kuwait na nakatakdang isumite ni Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sa kanyang talumpati sa Graduation Exercises ng PNP Academy’s (PNPA) Bachelor of Science on Public Safety (BSPS) “MARAGTAS Class of 2018, PNPA Parade Ground, Camp Castañeda, Silang Cavite ay sinabi nito na nais niyang dagdagan ng ilang detalye ang nasabing kasunduan.

Hangad ng Punong Ehekutibo na maging mandatory provisions sa MOU ang pagtitiyak na mabibigyan ng sapat na tulog at pagkain ang mga domestic pinay workers sa Kuwait.

Isusulong ng Pangulong Duterte na maging government to government contract ang naturang kasunduan.

Binigyang diin ng Chief Executive na dapat isama sa MOU na ipagbawal na ang pagkumpiska ng mga employers sa mga passports ng mga OFWs na ngiging dahilan kung bakit pahirapan sa kanila ang pag-alis sa mga abusadong employer. KRIS JOSE

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply