Patay sa sunog sa Manila Pavilion nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang binawian ng buhay sa naganap na sunog sa Water Front Manila Pavilion Hotel and Casino sa UN Avenue corner Ma. Orosa St., sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang huling biktima na si John Mark Sabido na isa ring empleyado ng PAGCOR.

Unang iniulat na namatay kahapon sina Jun Evangelista, Treasury Officer; Billy de Castro, Intern Security at Marlyn Omadto, assistant Treasury officer.

Ayon sa ipinarating na update ni F/Supt. Jeremy Diaz, kay MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, 6:40 kaninang umaga, Marso 19 ay nasa Task Force Bravo pa rin ang sunog at nagsasagawa na ng clearing operation sa gusali.

Kinilala naman ang mga dinala sa Manila Dictors Hospital na sina:
1. Cres, Tobias Tamondong-Hotel Employee
2. Antipala, Randy- Hotel Employee
3. Sebastian, Angelica Joyce Mercado- Hotel OJT
4. Rodil, Mary Joyce-Hotel OJT
5. Foo, Sheryl Hui Nin- Guest
6. Yano, Takahiro
7. Gaos, Sahria
8. Castandiello, Marco Blanca-Fireman
9. Kim, Ae Kyeong-Absconded
10. Cruz, Jennifer
11. Sta. Rita, Leced
12. Tuideo, Pio-Construction worker
13.Tebelin, Rey-Construction worker

Habang missing pa rin hanggang sa ngayon si Joe Cris Banaag.

Pasado alas-9:58 ng umaga kahapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Manila Pavilion na sumasailalim sa renovation.

Umabot ng mahigit labing limang oras ang sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

 

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply