Pederalismo dapat itulak ng PDP-Laban senatoriables

SUPORTA sa isinusulong na Pederalismo ng administrasyong Duterte ang pangunahing isyu na titingnan ng PDP-Laban sa mga kandidato nito sa 2019 senatorial elections.

Ito ang tahasang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez bukod pa aniya sa dapat lumalabas sa survey at nagpahayag ng intensyon na kumandidato.

“They have to support federalism because that is the advocacy of the party, as well as rank well in surveys. If they do not rate well, then that (senate run) will be a political suicide. The performance in surveys is important because we want our candidates to win,” ani Alvarez.

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Alvarez dahil sa hindi pagbanggit sa pangalan nina Negros Occidental Rep. Albee Benitez at PCOO Asec Mocha Uson sa pinakahuling okasyon ng panunumpa ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Caloocan City.

Sa bibihirang pag-amin ni Alvarez, sinabi nitong nakalimutan niya lamang sina Cong Albee at Mocha sa mga nakalinyang senatorial candidate ng PDP-Laban sa 2019.

Agad kinumpirma ni Alvarez na ang dalawa ay kabilang sa listahan na ipinanawagan nitong dapat suportahan ng may 5,000 bagong miyembro ng partido ng administrasyon.

Sa pinakahuling pangalan na inilabas ni Alvarez ay kasama na si Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice na nito lamang ay nagbotohan na i-impeach si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nasa listahan din ng mga tatakbong senador ng PDP sina Reps. Zajid Mangudadatu (Maguindanao); Geraldine Roman (Bataan) Karlo Nograles (Davao City); presidential spokesman Harry Roque, Secretary Christopher Go, presidential political adviser Francis Tolentino at Senate President Aquilino Pimentel III. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply