Pirma ni Duterte sa Balik-Scientist Act, magpapasigla sa R&D sa PH

 

INAASAHAN ni Senador Bam Aquino na mabibigyan ng sapat na tulong ang research and development (R&D) ng bansa, ngayong isang pirma na lang ang kailangan para maging batas ang Balik-Scientist Act.

“This is our way of supporting the field of research, science and technology in the country, which has been undervalued for too long. We hope the President can sign this into law and show his support and appreciation for Filipino scientists,” wika ni Sen. Bam, chairman ng Committee on Science and Technology.

Niratipikahan na ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report. Pagkatapos, ipadadala na ito sa Malacanang para sa pirma ni Pangulong Duterte.

Kapag ito’y naging batas, matutugunan nito ang kakulangan ng scientists sa bansa. Sa huling bilang, ang bansa ay mayroong 189 scientists bawat milyon, malayo sa akmang bilang na 380 scientists kada milyon.

Ipinunto ni Sen. Bam na nahuhuli ang Pilipinas sa South Korea at United States, na mayroong 5,300 at 3,500 scientist bawat milyon, ayon sa pagkakasunod. Ang Malaysia naman ay mayroong 2,000 scientists bawat milyon.

“With the Balik-Scientist Act, we expect Filipino scientists to return to the Philippines and help strengthen our research and development,” wika ni Sen. Bam, ang principal sponsor ng panukala sa Senado.

Kapag naisabatas, bibigyan ng Balik Scientist Act ang overseas Filipino scientists ng pinansiyal na benepisyo at insentibo upang mahikayat silang bumalik sa Pilipinas at tumulong sa pagpapalakas ng research and development.

Si Sen. Bam din ang principal sponsor at co-author ng Amendments to the Magna Carta for Scientists, Engineers, and Researchers bill at ng Innovative Start-up Act, na tinatalakay sa plenaryo.

Mayroon nang 19 na batas si Sen. Bam sa kanyang mahigit apat na taon bilang senador. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply