Postponement ng BSKE, pinatay sa Senado

TULUYAN nang pinatay ni Senate President Koko Pimentel III ang planong ipagpaliban ang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan na itinakda sa Mayo 14, 2018 dahil walang nakahaing panukala sa Mataas na Kapulungan.

Reaksiyon ito kahapon ni Pimentel matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang ipagpaliban ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan na siyang nagpalito sa kaisipan ng mga village officials.

Alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas, bago maging batas ang isang panukala, kailangan aprubahan ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang Kamara de Represetantes at Senado, saka magkakaroon ng bicameral conference committee hearing upang plantsahin ang batas.

Kung walang counterpart na panukalang nakahain sa alinmang kapulungan ng Kongreso, hindi magiging batas ang anumang inihain panukala tulad ng pagpapaliban ng halalang barangay sa Mayo 14.

“Malabo nang makalusot sa Senado ang naturang panukalang batas dahil gahol na sa oras,” ayon kay Pimentel.

Ngayon, March 21, 2018 ang huling sesyon ng Senado at magsisimula ang recess ng sesyon sa Marso 23 hanggang May 14, 2018 (araw ng halalan). Magbubukas ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 15, 2018 dahil walang pasok sa araw ng halalan.

Alinsunod sa parliamentary rules ng Kongreso, kailangan dumaan sa legislative mill ang isang panukala. Una; kailangan ihain ito sa plenaryo saka ibibigay sa kaukulang komite upang magkaroon ng pagdinig.

Pangalawa, pagkatapos ang mahabang pagdinig sa antas ng komite, ihahain ito sa plenaryo sa unang pagbasa sa pamamagitan ng pagsusumite ng committee report.

Tatalakayin ang panukala sa unang pagbasa hanggang sa ikatlo at huling pagbasa na may three-day rule ang pagitan.

Samantala, sinabi naman ni Pimentel na pag-aaralan ng Senado ang naipasang divorce bill sa House of the Representative sa pagbabalik ng sesyon matapos ang Semana Santa at halalang pambarangay. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply