Pulis at 2 iba pa arestado sa pagbebenta ng shabu sa QC

DAKIP ang isang pulis at dalawang iba pang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Cubao, Quezon City.

Ang pulis na nadakip ay may ranggong police officer 2 at nakatalaga sa Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.

Kasama niyang nadakip ang isang retiradong pulis at isang sibilyan.

Ang naturang mga suspek ay nasa watchlist ng Quezon City Police Station 7 dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal ng mga gamot at kadalasang mga call center agent umano ang kanilang parokyano.

Nakuha mula sa tatlo ang 19 na sachet ng shabu na tinatayang nasa P20,000 ang halaga. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply