Radio at TV stations na napinsala ng giyera sa Marawi aayudahan ng PCOO

HANDANG tumulong si Presidential Communications Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga private radio at tv stations na napinsala sa kasagsagan ng giyera sa Marawi city.

Tugon ito ni Sec. Andanar sa panawagan ng ilang stations na matulungan sila sa pagbangon mula sa pinsalang dulot ng giyera.

Aniya, bagamat priority ng pamahalaan ang government stations, handa naman siyang makiusap sa private donors para makatulong sa private stations.

Kinumpirma naman nito na noon pang nakaraang taon may nakalaan na P30 million para sa pagsi-set up ng government tv station at pagpapalakas sa Radyo Pilipinas radio station sa Marawi.

Pero dahil sa kakapusan ng panahon ay naubusan ng oras dahil sa umiiral na procurement law para mabili ang mga kailangang broadcast equipment.

Tiniyak naman ni Sec. Andanar na na-resubmit na niya noong nakaraang cabinet meeting ang proposal sa Department of National Defense at kay Task Force Bangon Marawi head Eduardo del Rosario ang proposal para sa naturang proyekto. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply