RAPIST COPS, IPAKO SA KRUS-GEN. BATO

NAG-INIT ang ulo ni PNP chief Gen. Ronald Dela Rosa sa apat na mga pulis ng Anti-Drugs Ope­ratives ng Meycauayan, Bulacan-PNP na umanoy gumahasa sa isang ginang na 7- month na buntis matapos maispatan ng mga ulol na pulis ang nasabing babae sa nasabing bayan.

Sa galit ni Gen. Dela Rosa ay nasambit tuloy niya na dapat lang daw na “ipako sa krus” ang apat na pulis na itinuturong sangkot sa panghahalay sa isang 29 anyos na drug offender na ginang.

Hindi raw lubusang makaaapekto ang pag-atras ng ginang sa reklamo nito laban sa apat na pulis na gumahasa sa kanya. Ang katwiran ni Dela Rosa ay hindi pa rin malilibre ang mga pulis niya dahil isasa- ilalim pa ang mga ito sa admi­nistrative at criminal cases.

Kapag makapangalap sila ng mga ebidensya na magdiriin sa apat na pulis na gumahasa sa ginang ay tiyak na mabubulok sila sa kulungan.

Sa isang media presentation sa Bulacan Provincial Police Office, personal na kinausap ni Gen. Bato ang mga akusadong pulis na kanyang binantaan na posibleng may kalalagyan kahit na iniurong na ng ginang ang kanyang reklamo.

Sinabi pa ng magiting na heneral, wala siyang pakialam kung drug offender ang babae at kung anoman ang background pa nito. Ang mahalaga para sa kanya ay managot ang mga akusadong pulis niya para hindi pamarisan ng kanilang mga kabaro.

Kung ang taumbayan naman ang tatanungin, dapat lamang na managot sina PO2 Jeferson Landrito, PO1 Marlo delos Santos, PO1 Jeremy Aquino at isang at-large, matanggal sa serbisyo at mabu­lok sa kulungan para hindi sila pamarisan ng iba. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply