SERYOSO SI DUTERTE SA BORA

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga sakim sa pe­rang negosyante sa Boracay.

Ito ang malinaw dahil mismong si Pangulong Rod­rigo Roa Duterte na ang nagtitimon at nagsasabing panahon na para iayos ang dating magandang isla, na animo’y isang paraiso sa bansa.

Maging ang tatlong miyembro ng Gabinete na sina Enviroment Secretary Roy Cimatu, DILG OIC Sec. Eduardo Año at Tourism Sec. Wanda Teo ay natauhan sa utos ng Pangulo kaya dali-dali nilang tinu­tukan ang pag-aayos sa isla na matagal nang pinaba­yaan ng kanilang hawak na departamento.

Kahit ang mga lokal na opisyal sa Malay, Aklan na siyang sumasakop sa is­­-la ng Boracay ay nagising sa umano’y sinasad­yang pag­tulog, dahil impo­sible naman talaga kung iisipin na nabalahura ang kani­lang lugar nang hindi nila nalala­man.

Malinaw din sa utos ni Pangulong Digong na da­pat sa loob ng anim na buwan ay naresolba na ang problema sa Boracay na binaboy at binalubas ng mga taong matatakaw sa pera at pabayang opisyal ng gobyerno.

Maraming pagtutuwid na gagawin sa Boracay dahil ilang dekada na itong nasalaula ng mga ganid na negosyante at opisyal ng gobyerno, na tiyak na pa­nanagutin ni Pang. Digong dahil sa kasalanan nilang ginawa.

Sana lang ay hindi ma­tigil sa paglilinis at pagsasaayos ng isla ang usa­pin kundi panagutin o pa­rusahan din ang mga naki­pagsabwatang opisyal ng gobyerno, lokal man o sa nasyonal, dahil hindi matitigil ang maling gawi ka­pag hindi sila naparusa­han.

Magbalot-balot na kayo! ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply