TULOY NA ANG B/SK ELECTION

DAPAT nang ituloy ang Barangay at SK election ngayong Mayo.

Long overdue na kasi ang naturang halalan na dapat sana ay ginawa may dalawang taon na ang nakalilipas.

Tama lamang ang naging pahayag ng Palasyo sa pamamagitan ni Spokesman Harry Ro­que na ayaw na ng Pa­ng­ulo na ipagpalibang muli ang barangay election dahil hindi naman mai­kukubli na mayroon talagang barangay officials na pasaway.

Maging ang Senado sa pangunguna ni Se­­n­a­­­t­e President Koko Pimentel, ay wala rin naki­kitang dahilan para ipagpaliban muli sa ikatlong pagkakataon ang natu­ra­ng halalan dahil nakita nilang hindi talaga pwedeng isabay ang ele­k­syo­ng pambarangay sa plebisito ng pederalismo.

Naging realistic at praktikal ang Senado sa naturang halalan dahil bilang kinatawan ng ma­mamayan sa Mataas na Kapulungan ay marapat nilang pinapakinggan rin ang pulso ng mama­mayan sa ibaba.

Limang taon na mahigit ang mga kasaluku­ya­ng opisyales ng bara­n­­gay sa buong bansa kaya’t makatwiran na rin sigurong tanungin ang taumbayan kung sila ba ay magpapatuloy o i-e-endo na.

Malinaw din sa datos ng DILG, PDEA at PNP na mayorya ng barangay officials ang hindi nakatulong sa pagsugpo ng kriminalidad kagaya ng pagbebenta ng ilegal na droga, kaya’t napapanahon na talaga na palitan ang mga ito ng mga taong magiging kaagapay ng gobyernong Duterte sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Malaking porsiyento rin ng barangay sa bansa ang hindi rin nagsumi­te sa DILG ng kanilang barangay watchlist para sa adik at tulak na na­­­­g­­­­i­­­­­n­­g­­­ dahilan para lumubha ang problema sa ipinagbabawal na gamot.

Kaya sana itigil na ng Mababang Kapulungan ang kanilang panukala sa pagpapaliban muli ng halalan sa SK at Barangay dahil talaga namang hindi na nakatutuwa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply