Vladimir Putin pa rin sa Russia

MULING nagwagi si Russian President Vladimir Putin sa halalan sa Russia dahilan para mapalawig pa ang pananatili sa pwesto sa itinuturing na world’s largest country.

Anim na taon pa muling mamumuno si Putin makaraang makakuha ng landslide victory.

Batay sa mga isinagawang exit poll, lumilitaw na si Putin ay nakakuha ng 73.9 percent ng boto.

Pinasalamatan naman ni Putin ang mga sumuporta sa kaniya.

Aniya, may magandang hinaharap ang Russia basta’t mananatiling nagkakaisa ang mamamayan nito.

Mananatili si Putin sa pwesto hanggang 2024 at sa panahong iyon siya ay tutuntong na sa edad na 71. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply