Walang extension para sa mga bagong Telco player

WALANG inihirit na bagong deadline si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa bidding ng bagong telecommunication player.

Ayaw ng Pangulo na magkaroon ng extension dahil nais niyang maganap ito bago matapos ang buwan ng Marso.

“Wala na po siyang deadline na sinet basta deadline niya March it was not met then as soon as possible,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Batid ni Sec. Roque na sa pagpasok ng susunod na linggo ay Semana Santa subalit hindi sila nawawalan ng pag-asa na matutuloy ang bidding ng 3rd telco.

“Whether or not he’s happy, that’s the reality. What can he do? At least he prompted that actual steps be undertaken leading to the announcement in June. Had he not exercise the political will we would still have bickerings from the two duopoly and machinations and orchestrations against the third telecom,” aniya pa rin.

Matatandaang sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ayaw na ng pangulo na magkaroon ng extension pa ang bidding para sa 3rd player sa telco industry.

Ang pagpayag aniya ng pamahalaan sa “third telecommunications player” ay naglalayong mabuwag ang “duopoly” sa industriya ng telekomunikasyon.

Inaasahan din na magpapabuti ito sa telecommunication services sa bansa na dinodomina lamang ng dalawang malalaking kumpanya.

Kamakailan lamang ay pumayag ang PLDT-Smart na isauli sa pamahalaan ang isang frequency para sa LTE at 3G connectivity na pwedeng gamitin ng papasok na 3rd player sa telco industry.

Noon pang panahon ng kampanya ay sinabi na ni Duterte na magpapapasok siya ng bagong telco sa bansa dahil sa masamang serbisyo ng telekomunikasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply