Walang tigil-pasada ngayong araw

ITO ang nilinaw ng pamunuan ng ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON kasunod ng pagdedeklara ng Malacanang na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila.

Paglilinaw ni George San Mateo, pangulo ng PISTON na fake news ang lumabas na balita na patuloy ang kanilang jeepney strike.

Dagdag pa nito na natapos na aniya nila ang pagsasagawa ng tigil-pasada kahapon at hindi na ito palalawigin pa.

Katunayan aniya, nakausap na rin nito ang mga opisyal ng Metro Manila Development Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maging si QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar at alam nilang isang araw lamang ang kanilang tigil-pasada.

Maging ang Malacanang ay alam din aniya na kahapon lamang ang kanilang strike at hindi na ito palalawigin pa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply